NAG-EMERGENCY landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang pampasaherong eroplano makaraang magkaroon ng engine trouble kaninang tanghali, Disyembre 10.
Mag-aalas-12 ng tanghali nang lumipad ang Air Asia Zest flight Z-2428 sakay ang 86 pasahero papuntang Puerto Princesa, Palawan.
Ngunit makalipas lamang ang pitong minuto ay bumalik din ang naturang eroplano sa paliparan makaraang mag-request ng emergency landing ang piloto dahil sa engine trouble.
Nabatid na ligtas naman ang mga pasahero ng naturang eroplano.
The post Eroplano nag-emergency landing sa NAIA appeared first on Remate.