Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

IFRS: Para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda

$
0
0

NAGING matagumpay ang pagbubukas ng telon sa University of Santo Tomas, Manila ng Institute of Formation and Religious Studies (IFRS) noong Disyembre 9, 2013 bilang pagdiriwang ng kanilang Golden Jubilee.

Kaugnay nito ay malugod na pinalakpakan ang mga nagsipagganap sa cultural presentation na kanilang pinamagatang IFRS at 50: Remember, Celebrate, Dream. Magkakaroon din ang IFRS Grand Alumni Homecoming mula mamayang alas-2 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa IFRS Multi-Purpose Hall, N. Domingo corner St. John street, Cubao, Quezon City.

Nagpasiklaban ang walong bansang kalahok na nagpakitang gilas ng kani-kanilang galing at talento pagdating sa pagsayaw.

Hindi nagpahuli ang madre sa pagsayaw ng Thingyan 2008 Dance, maging ang mga sumayaw ng The Mot Thoang Que Huong (A Fleeting Homeland) mula sa bansang Vietnam. Ngunit hindi nagpahuli ang mga mananayaw mula sa ating bansa.

Ipinakita nila ang ganda ng ating kultura sa pamamagitan ng Palayok Dance at Malong Dance.

Pinalakpakan nang husto ang isang mananayaw na mula sa Hospicio de San Jose nang siya ay buong ningning na tumayo at taas-noong sumayaw sa ibabaw ng kawayan samantalang bitbit siya ng apat na kapwa niya rin magagaling na mananayaw.

Ang 10:00 a.m., 3:00 p.m. at 7:00 p.m. na kikitain ng kanilang pagtatanghal ay inihahandog para sa IFRS scholars at mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ang IFRS ay non-profit na institusyon na nagbibigay ng religious formation at theological education para sa mga religious sister and brother mula sa mga mahihirap at lokal na Congregations sa Asia-Pacific region.

The post IFRS: Para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan