MATAPOS ma-stranded ng limang araw sa karagatan ng Recto (Reed) Bank sa pinag-aagawang Spratly Islands, nasagip ang sampung mangingisdang Pinoy sa China-claimed territory.
Sinabi ni Lt. Cheryl Tindog, spokesperson of the military’s Western Command (Wescom) na nakabase sa Puerto Princesa City sa Palawan, ang mga mangingisda ay nasa mabuting kondisyon.
“The 10 fishermen are reported to be in stable condition. They are now underway aboard [Patrol Ship] 35 and their motor banca is being towed back to mainland Palawan,” pahayag ni Tindog.
Kinilala ang mga nasagip na mga mangingisda na sina Jessie Salac, Pedro Cabago, Reynald Cabago, Melvin Aquino, Jherson Recacurva, Benjie Bagao, Arislit Ray El Sy, Erlan Sagang, Danilo Layan, at Jayven Secor
Nasagip ang mga mangingisda ng Patrol Ship 35, na kilala rin na BRP Emilio Jacinto, pasado alas-9 kaninang umaga at nakatakdang dumating sa Puerto Princesa bukas (Miyerkules) ng umaga.
Sinabi ni Tindog na umalis ang BRP Emilio Jacinto mula sa Puerto Princesa nitong nakaraang Lunes matapos bumalik ang mas maliit na Navy patrol gunboat, na nauna nang pinaglayag para sunduin ang mga mangingisda nang makaengkuwentro ng malalaking alon.
The post 10 mangingisda na naipit sa Reed Bank, nasagip appeared first on Remate.