NASUNGKIT ng Pilipinas ang dalawang gintong medalya sa 27th edition ng Southeast Asian Games (SEAG) sa Myanmar.
Maliban sa dalawang gold medal, naidagdag din dito ang dalawang silver medals para sa larong wushu.
Tinalo ni Jessie Aligaga ang pambato ng Indonesia na si Dasmantua Simbolon sa men’s 48 kilogram sanda event sa wushu, habang si Dembert Arcita ay nagwagi laban kay Phithak Paokrathok ng Thailand.
Silver medalist naman sina Divine Wally at Evita Elise Zamora makaraang matalo sa kani-kanilang Vietnamese opponents.
Yumukod si Wally kay Thi Chinh Nguyen habang si Zamora ay natalo kay Thu Hoai Nguyen.
Samantala, maglalaro para sa gold medal round si Pinoy boxer Nesthy Petecio matapos bugbugin ang kalabang taga-Thailand.
Ang pormal na pagbubukas ng SEA Games ay sa Miyerkules, Disyembre 11 at magtatapos sa Disyembre 22.
The post 2 ginto nasungkit ng Pinas sa SEA Games appeared first on Remate.