SA loob mismo ng bibig ipinutok ng mga miyembro ng vigilante group ang kanilang baril para tapusin ang lalaking kanilang sinalvage sa Iloilo kaninang madaling-araw.
Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) team, binaril ang hindi nakikilalang biktima sa loob mismo ng bibig nito dahil walang nakitang entry point sa anumang bahagi ng katawan bukod sa tumagos na bala sa likod na bahagi ng ulo ng biktima.
Inginunguso naman ang krimen sa mga miyembro ng vigilante group na aktibong-aktibo ang aktibidades sa nasabing lungsod.
Sa ulat, natagpuan ang biktima ala-1:15 ng madaling-araw sa Purok 4, Barangay San Vicente, Leganes, Iloilo.
Ayon kay barangay tanod Roland Jurich ng Barangay San Vicente Leganes, bago ang insidente ay nakarinig ito ng isang putok ng baril.
Tawag ng tungkulin, pinuntahan ni Jurich ang pinanggalingan ng putok at nang makarating sa lugar ay nakitang nakahandusay ang biktima sa gilid ng kalsada.
Ang biktima na nakaposas, may saksak sa kanang dibdib at tama ng bala sa likod ng ulo ay innilarawang 30-35 anyos, 5’5″ at payat.
Nakasuot ang biktima ng dobleng damit at narekober sa bulsa nito ang iba’t ibang uri ng ATM card at reseta ng gamot.
Kung pagbabasehan ang nakalagay sa reseta ng gamot, ang biktima ay residente ng Barangay Baldoza, La Paz, Iloilo City.
The post Salvage victim pinasabog ang bunganga appeared first on Remate.