Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Liquid cocaine nasabat sa NAIA

$
0
0

SA kauna-unahang pagkakataon ay nasabat ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tinaguriang dangerous drug ang liquid cocaine mula sa isang nagbabalik na OFW.

Kinilala ni NAIA-IADITG Task Group Commander at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Mary Joy Corpuz Soriano, 23, isang balikbayan na taga-Dipindin, Maddela, Quirino Province.

Ani Cacdac, ito pa lamang ang unang beses na sila ay nakasita ng likidong cocaine na tangkang ipuslit sa  bansa na kadalasan ang mga nakukumpiska nilang mga droga ay pawang nasa powder form.

Gayunman, ani Cacdac, mas matinik aniya ang mga tauhan ng NAIA-IADITG dahil nakatanggap muna sila ng intelligence report galing United States Drug Enforcement Administration (USDEA) na may isang Filipina na pasahero ng eroplano ang pauwi sa bansa dala-dala ang iligal na droga.

Noong  hapon ng December 3, 2013, dumating si Soriano sa bansa sakay ng Qatar Airlines Flight QR926 galing Doha, Qatar at noong kinaumagahan ng kukunin na nito ang kanyang bagahe na sakay ng Emirates Airlines Flight EK336 ay dito na siya pinosasan ng NAIA-IADITG.

Pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA NAIA-IADITG si Soriano habang inihahanda na ang kasong paglabag sa  transportation of dangerous drugs (Section 5), Article II, Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na isasampa sa korte laban sa kanya.

The post Liquid cocaine nasabat sa NAIA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>