Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Vendor nag-amok, 1 patay, 5 sugatan

$
0
0

ISA ang patay habang lima ang sugatan matapos mag-amok ang isang peanut vendor sa Novaliches, Quezon City kaninang madaling-araw, Disyembre 8, 2013.

Kinilala ang nasawi na si Virgilio Himagan, 25, ng 13 Don Julio Gregorio St. Brgy. Bagbag, Novaliches, QC namatay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.

Sugatan naman sina Romeo Aclao, 22,; Victorio Quiaon, 19; Richard Rapasa, 25; Raymund Villanueva, 20 at isang John Anthony Labastida, 3-anyos pawang ng 13 Don Julio Gregorio St., Brgy. Bagbag, Novaliches.

Tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Romeo, isang peanut vendor.

Nabatid na naganap ang insidente sa No. 13 Don Julio Gregorio St., Brgy. Bagbag, alas-5 ng madaling-araw.

Sinabi sa ulat na mahimbing na natutulog ang biktimang si Virgilio Himagan nang pagsasaksakin ng suspek sa loob ng kanilang bahay.

Nagising naman ang ilang  kalapit kuwarto ng biktima kay nadamay rin sa pananaksak ng salarin maging ang 3-taong gulang na lalaki.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

The post Vendor nag-amok, 1 patay, 5 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan