PATAY ang isang lalaki makaraang barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang salarin sa Old Balara, Quezon City kaninang umaga, Disyembre 8, 2013.
Kinilala ang namatay na si Elmer Agunia, 44, ng Area 3, Luzon Avenue, Old Balara, QC.
Si Agunia ay namatay noon din dahil sa isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa mukha.
Naganap ang insidente sa Area 4, Purok, Brgy. Culiat, alas-10:00 ng umaga.
Naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan at agad binaril sa mukha ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek at iniwan ang duguang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad para mabatid ang pagkakakilanlan ng suspek para madakip ito.
The post Kelot binaunan ng tingga sa mukha appeared first on Remate.