BUBUSISIIN ng Kamara ang P3.00 hanggang P3.50 na dagdag na singil sa kuryente na nakatakdang ipataw ng Manila Electric Company (Meralco) sa consumers.
Inihain nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ang House Bill 588 na nagsusulong na imbestigahan na ng Kamara ang dagdag na P3 sa singil ng kuryente.
Ikinairita rin ng dalawang mambabatas ang tila ginagawang pagtatanggol ng DOE sa Meralco.
Nais ni Zarate na magpaliwanag ang mga opisyal ng Department of Energy kung bakit hindi napaghandaan ang Malampaya Natural Gas Plant na idinadahilan ng Meralco gayong matagal na itong naka-schedule.
Ang planta ay sumasailalim sa maintenance mula November 11 hanggang December 10 kung kaya dapat itong napaghandaan ng gobyerno.
Hindi lamang DOE ang kinalampag nina Zarate at Colmenares kundi maging ang Energy Regulatory Commission (ERC) na buksan ang mga mata upang makita ang mga senyales ng manipulasyon.
The post Dagdag na P3 ng Meralco iimbestigahan ng Kamara appeared first on Remate.