Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Rigondeaux wagi sa defense fight vs Agbeko

$
0
0

NEW JERSEY – Napanatili pa rin ni WBA/WBO world super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux ang kanyang korona nang talunin ang kalaban na si  Joseph Agbeko (29-5, 22 KOs), sa Boardwalk Hall sa Atlantic City, New Jersey.

Maalalang ang Cuban boxer ang tumalo kay former Filipino champion Nonito Donaire sa laban nila noong buwan ng Abril.

Sa laban kay Agbeko, naging bentahe kay Rigondeaux ang pagiging “technical fighter” nito para makuha ang 120-108-all scorecard advantage at maiuwi ang korona via unanimous decision.

Si Agbeko ay umakyat ng timbang para tangkaing agawin ang korona ni Rigondeaux.

Una nang nagbigay kondisyon si Rigondeaux para sa posibleng rematch kay dating kampeon na si Nonito Donaire, Jr.

Ayon kay Rigondeaux, papayag siyang labanan muli si Donaire kung sa catchweight na 123 pounds at hindi sa bantamweight division.

Dagdag pa ng Cuban Olympian boxer, aakyat lamang siya ng 126-pounds kung may napanalunan nang titulo ang Filipino Flash.

Matatandaang hinamon ni Donaire si Rigondeaux ng rematch matapos ang technical knockout (TKO) win laban kay Vic Darchinyan.

The post Rigondeaux wagi sa defense fight vs Agbeko appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>