MAGSASAMPA ng kaso ang kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino na isulong ang impeachment laban sa ilang mahistrado ng Korte Suprema.
Bagama’t hindi tinukoy kung sino-sinong mahistrado ang ipai-impeach, sinabi ni Cong. Reynaldo Umali na nasa proseso siya ngayon ng pagkumbinsi ng 2/3 o 99 na kongresista upang mabilis na umusad ang impeachment case.
Ayon kay Umali, tila naghari-harian ang mga mahistrado ng Korte Suprema nang baliktarin nila ang kanilang sariling desisyon at ideklarang unconstitutional ang pork barrel system.
Binatikos din ni Umali ang pag-disqualify ng Korte Suprema kay Congresswoman Regina Reyes gayong pinanumpa na ito sa House of Representatives.
The post Kaalyado ni PNoy, magsasampa ng impeachment case laban sa ilang SC justices appeared first on Remate.