MALAMANG na matagalan pa ang pagpapauwi sa bangkay ng pitong Pinoy hospital workers na namatay sa suicide bombing attack sa Yemen.
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, kinakailangan munang maiproseso ang mga kinakailangang dokumento sa pagpapauwi ng mga biktima.
Inihayag ni Hernandez na ang mahalaga ay nasa ligtas nang kalagayan ang 11 mga kababayang nasugatan sa insidente.
Ayon pa kay Hernandez, mahalaga na hindi napapabayaan ang mga kababayan na ngayon ay ginagamot sa ospital.
The post Pagpapauwi sa Pinoy workers na namatay sa Yemen mabibinbin appeared first on Remate.