TODAS ang isang barangay kapitan sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur makaraang ratratin ng riding-in-tandem.
Kinilala ang biktima na si Barangay Captain Antonio Valdez, ng Barangay Salincud at isang retiradong pulis.
Nabatid na papuntang munisipyo ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo kaangkas ang bayaw na si Bryan Elliorin upang dumalo sa ABC meeting ngunit nang nasa parte na ng Barangay Danar sa nasabing bayan ay bigla na lamang binaril ng dalawang hindi nakilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.
Tinamaan si Valdez sa kaliwang leeg na kanyang agad na ikinamatay.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad at inaalam pa rin ang motibo sa pamamaslang.
The post Barangay captain todas sa tandem appeared first on Remate.