WALANG magagawa ang Malakanyang para pigilan ang Manila Electric Company (Meralco) na ikasa ang P2.50 hanggang P3.50 taas na singil sa kada kilowatt hour (kWh) sa kuryente o katumbas ng P700 pagtaas sa buwanang bill ngayong buwan.
Ang katwiran ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma ay dahil may umiiral na EPIRA law, ERC review process at ang konsiderasyon ng Pangulong Aquino sa kapakanan ng taumbayan.
Subalit kung may sapat na batayan naman aniya para tukuyin ang mga karaingan ng publiko ay hindi naman aniya mag-aatubili ang pamahalaan na tukuyin at gawan ng karampatang aksyon ito.
Sinabi pa ni Sec. Coloma na kung ang magiging solusyon aniya dito ay ang pag-aamyenda ng mga batas ay handa ang Malakanyang na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para i-prayoridad ang kakailanganing hakbangin para rito.
The post Malakanyang walang magagawa sa pagtaas ng singil sa kuryente appeared first on Remate.