NANGUNGUNA ang Afghanistan, North Korea at Somalia sa pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo.
Ito ang napag-alaman ng Remate News Central.
Batay sa report, halos 70% ng mga bansa sa mundo ay nagdaranas ng korapsyon kaya bumabagsak ang mga ito.
Sa pagsusuri ng graft watchdog Transparency International (TI), walang bansang malinis sa korapsyon.
Kahit aniya ang Denmark at New Zealand na nanguna sa survey ng may 200 bansang kasali ay may mangilan-ngilan ding kaso ng korapsyon.
Seryoso umano ang mga kaso ng korapsyon sa mga bansang hindi umabot sa 50% transparency dahil nasasagasaan ng husto ang mga mahihirap.
Ayon kay TI lead researcher Finn Heinrich, hindi makakabangon sa kahirapan ang mga bansang nakabaon sa korapsyon.
Nanguna sa listahan ng “2013 Most Corrupt Countries in the World” ay ang mga bansang may kasalukuyang digmaan tulad ng Syria, Libya at Mali.
Sumunod sa listahan ang Somalia, Afghanistan at North Korea.
Itinuturing na pinakakorap na bansa sa Asia ang North Korea at ikatlo sa talaan ng pinakakorap sa mundo.
Gayunman, malaki ang iniangat ng Myanmar.
Parang isinumpa naman ang Nigeria kahit mayaman sa langis dahil din sa sobrang korapsyon.
Ayon kay TI Chairman Huguette Labelle, nagsisimula ang korapsyon sa pagkuha pa lamang ng permit sa mga gobyernong lokal.
Sa nasabing sarbey, hindi nakasama ang Pilipinas sa top 10 na pinakakorap na bansa ngunit kasama pa rin ito sa top 30%.
Nagsisimula naman ang korapsyon sa Pilipinas sa mga barangay pa lamang paakyat sa mga ahensya ng gobyerno.
Kasama ang Pilipinas sa top 10% na pinakakorap na bansa sa Asia.
The post Pinas isa sa pinaka-corrupt na bansa sa mundo appeared first on Remate.