MATAPOS ang privilege speech ni Senador Miriam Defensor-Santiago ay sinagot naman ito ni Senador Juan Ponce Enrile.
Ani Enrile sa banat ni Miriam, bukas ang kanyang record hinggil sa sinasabing mga kaso ni Santiago noong Martial Law dahil nasa kasaysayan naman ang kanyang mga nagawa.
Nalungkot lang umano si JPE sa privilege speech ni Miriam dahil maging ang mga inosenteng tao ay idinamay ni Santiago.
Sa huli ay sinabi ni JPE na kung may nagkakagusto pa sa kanya ay hindi naman niya kasalanan yun dahil sa maganda niyang tindig.
Ani pa ni JPE na “Kasalanan ko ba kung pogi ako?”
The post JPE kay Miriam: ‘Kasalanan ko ba kung pogi ako?’ appeared first on Remate.