Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Imbestigasyon sa BIR vs Pacman nakakasa na

$
0
0

INIHAIN na sa Kamara ang House Resolution  579 na naghihimok sa House Committee on Games and Amusement at Committee on Ways and Means na imbestigahan ang paghahabol ng administrasyong Aquino kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sa kanyang resolusyon, hiniling ni Barzaga na siyasatin ang pag-iisyu ng BIR ng warrant of garnishment sa mga deposito ng pambansang kamao.

Iginiit ni Barzaga na magkakasalungat ang ibinibigay na pahayag nina BIR Commissioner Kim Henares at ng kampo ni Pacquiao maging ang Top Rank Promoter na si Bob Arum kaugnay ng buwis na dapat bayaran ng kongresista.

Makabubuti ayon kay Barzaga na magharap-harap ang lahat ng kampo sa isang congressional inquiry para maresolba ang isyung ito.

Sinabi ni Barzaga na chairman ng Committee on Games and Amusement na dapat malaman kung nasunod ng BIR ang tamang proseso sa pagpapalabas ng warrant of garnishment laban kay Pacquiao.

Ang Warrant of Garnishment ay lumutang isang araw matapos ang pagkapanalo ni Pacquiao kay Brandon Rios.

Sakop ng warrant of garnishment ang bank deposits ni Pacquiao dahil sa hinahabol na mahigit P2.2 bilyong buwis na hindi pa nababayaran mula sa mga laban at commercial endorsement nito mula 2008 hanggang 2009.

Sa panig naman ni Pacquiao ay iginigiit nito na wala itong basehan dahil nagbayad na siya ng buwis sa internal revenue service ng Estados Unidos na sinegundahan ng kanyang promoter na si Arum.

The post Imbestigasyon sa BIR vs Pacman nakakasa na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>