IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) ang pagtugis at paghuli sa responsable sa pagkalat ng US military ready-to-eat meals na nabibili ngayon sa mga bangketa o maliliit na malls na sinasabing USAID (donations).
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr. na alam ng PNP ang kanilang gagawin bilang law enforcement agency.
Sa kabilang dako, hihintayin naman ng Malakanyang ang magiging pag-uulat ng DSWD ukol naman sa isyu na pinalitan ang plastic na pinaglagyan ng relief goods at nilagyan ng pangalan ng politiko.
Binigyang diin ni Sec. Coloma na nais ng Chief Executive na maging maayos ang paghahatid ng kalinga at tulong sa mga mamamayan na naaayon sa batas.
“So kung ano po ang naganap na labag sa batas, tungkulin po ng ating mga law enforcement agencies na siyasatin ito at ipatupad ang batas,” ang pahayag ni Sec. Coloma.
The post Nagbenta ng relief goods mula US ipinatutugis appeared first on Remate.