WALA pang opisyal na paabot ang Supreme Court ukol sa pangalawang desisyon nito na nagsasapinal sa una ukol sa diskuwalipikasyon ni Marinduque Rep. Regina Reyes.
Ito ang pag-amin ni House Speaker Feliciano Belmonte at aniya’y hangga’t walang natatanggap na kopya ng desisyon ang Kamara ay mananatiling kongresista si Reyes.
Malinaw ayon kay Belmonte na si Reyes ay proklamadong panalo sa halalan kaya ang anumang protesta sa kanya ay dapat na hawakan lamang ng HRET at hindi ng Korte Suprema.
Si Reyes ay iprinotesta ng katunggaling si incumbent Rep. Lord Allan Velasco dahil sa pagiging American citizen nito.
Pinag-aaralan na aniya ng mga abogado ng Kamara ang usaping ito ng diskuwalipikasyon ni Reyes.
Kasabay nito ay kinuwestyon din ni Belmonte ang Commission on Elections kung bakit iprinoklama pa ng Board of Canvassers si Reyes gayung bago pa man ang deklarasyon ng panalo at proklamasyon ay meron ng desisyon ang komisyon na diskuwalipikasyon.
The post Rep. Reyes mananatili sa Kamara- Belmonte appeared first on Remate.