DAPAT ipadama ng publiko sa survivors ng super bagyong Yolanda na hindi sila nag-iisa para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko.
Ito ay ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na nagsabing nabubuhay ang pag-asa ng mga Yolanda survivors sa tuwing makikita nila ang taos-pusong pagtulong sa kanila ng kanilang kapwa.
Ipinaalala pa ng arsobispo sa publiko na malaking hamon ang epekto ng bagyo sa mga Pinoy na ibahagi kung ano ang biyaya na tinataglay ng bawat isa.
Iginiit ni Palma na sa gitna ng kalungkutan, ang tanging konsolasyon ng mga biktimg ng bagyo ay ang maramdaman ang pagkalinga sa kanila ng mga nagkakawang-gawa.
Samantala, mula sa patuloy na relief operations ng Caritas Manila umaabot na sa mahigit P50 milyon ang naipadalang tulong na cash at in kind sa mga biktima ng bagyo.
Matatandaang tinatayang nasa dalawang milyong pamilya o 11 milyong indibidwal ang naapektuhan ng super typhoon Yolanda na nanalasa sa bansa noong Nobyembre 8.
The post Pagmamahal ipadama sa Yolanda survivors appeared first on Remate.