PATAY ang isang sekyu habang nasa malubhang kalagayan ang pinsan nito nang malapitang barilin ng improvised shotgun ng drug pusher Linggo ng gabi sa Brgy. Northbay Boulevard South Navotas City.
Dead on arrival sa Tondo General Hospital si Rafael Tongol, 27, security guard, sanhi ng mga tama ng bala ng sumpak sa katawan, habang agaw buhay naman sa nasabing ospital ang pinsan ng namatay na si Roque Frogoso, security guard at residente ng Blk 42 Alumahan St., NBBS.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang salarin na si Jeff-Jeff Astor, talamak na drug pusher ng Phase 1, naturang barangay.
Ayon sa isinagawang imbestigasyonni, alas-6:00 kagabi nang maganap ang insidente sa Alumahan St., NBBS.
Nauna rito, pinangaralan ni Roque ang suspek na tigilan na ang pagbebenta ng marijuana sa mga kabataan sa nasabing lugar na ikinagalit ng suspek.
Pilit pinayapa naman ni Rafael ang dalawa subalit biglang naglabas ng sumpak ang suspek at malapitang pinutukan ang magpinsan.
The post Magpinsan na sekyu binaril ng sumpak, 1 utas appeared first on Remate.