MAGANDA ang panimula ni Albert Lim Jr. sa 32nd Philippine Columbian Association (PCA) Open tennis championships subalit mauudlot ang kanyang kampanya dahil nakatakda siyang umalis para lumaban sa 52nd Metropolia Junior Orange Bowl International Championship sa Miami, Florida.
Dadayo sa South Florida si Lim at kaniyang coach na si Manny Tecson sa Miyerkules para makahabol sa qualifying event na gaganapin sa Disyembre 7 at 8 sa outdoor clay courts ng Frank Veltri Tennis Center sa South Florida.
Pakay ng 14-year-old na si Lim na makapasok sa main draw ng International Tennis Federation (ITF) Grade A tournament na magsisimula sa Disyembre 14 to 23.
“Sayang at hindi na ako makakalaro. Nasa calendar ko kasi ang lumaban sa Miami. I’m using this tournament as a warm-up dahil kabilang mga world’s best juniors players and makalaban ko sa Florida,” ani Lim na nasa ika- 189 na puwesto sa ITF junior rankings.
Umabante si Lim, ang ninth seed sa men’s singles ng PCA Open at seventh sa kanilang tambalan ni Raymond Diaz sa doubles ng Cebuana Lhuiller-backed na palaro, sa second round ng singles at doubles ng P600,000 event.
Nailista ni Lim ang mabilisang 6-0, 6-0 panalo kontra unseeded John Altiche— na pinadapa naman si Arn Procianos, 7-5, 7-5—nung Sabado sa PCA covered courts sa Plaza Dilao sa Paco, Manila.
Kasalukuyang naglalaro sina Lim at Madrio at press time. Nagwagi din si Lim at Diaz laban kina Francis Jeff Patinio at Francisco Santos, 6-4, 6-4, sa doubles.
Makaka-duwelo ni Lim ang higit sa 1,000 na pinakamagagaling na Under-14 at Under-12 na manlalaro, mula sa 74 na bansa, sa buong mundo.
Ani Tecson na target nilang makapasok sa Top 100 ng ITF world junior rankings si Lim bago matapos ang 2014 kaya pinilit nilang makasali sa Orange Bowl.
Sina Marcos Baghdatis ng Cyprus (2003), Sweden’s Robin Soderling (2001), Andy Roddick ng USA (1999), former world number one Roger Federer ng Switzerland (1998), Chile’s NicolasMassu (1997) Argentine Mariano Zabaleta (1995), Spaniard Albert Costa (1993), American Vince Spadea (1992), Russian Andriy Medvedev (1990), USA’s Jim Courier (1987) at Frenchman Guy Forget (1982) ang ilan sa mga dating nag-wagi sa naturang junior na torneo.
The post Lim bitin sa PCA Open Tennis appeared first on Remate.