HINDI lang sinampal, tinawag pang adik ng aktres na si Anne Curtis ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang club sa Fort Bonifacio, Taguig ayon sa ulat.
Sinasabing nasa Prive Luxury Club ang aktres kasama ang mga kaibigang sina John Lloyd Cruz, Phoemela Barranda, Jake Cuenca at co-owner ng bar na si JM Rodriguez para sa pa-party ni Anne sa kanyang ikakasal na kaibigan nang maganap ang insidente.
Sa hindi malamang dahilan, basta na lamang umano sinampal ni Anne sina De Guzman at John Lloyd.
Inaway din ng aktres si Phoemela at sinabihang kaya niyang bilhin ang TV host.
Dahil sa panggugulo ay inilabas na lang ang aktres ng mga security ng club palabas.
Sa huli, nabatid na langong-lango sa alak ang aktres at nang mahimasmasan ay hiyang-hiya sa kanyang ginawa na agad nag-sorry sa mga kaibigan.
The post John Lloyd Cruz, sinampal at tinawag na adik ni Anne Curtis appeared first on Remate.