ARESTADO ang isang lalaki dahil sa bagong modus operandi nito ng pagnanakaw sa Maynila.
Kinilala ang suspek na si Jabar Macaambung, 35.
Ayon sa magkaibigang blogger at biktima na sina Carlo Valenzona at John Cueto, galing sila sa isang event sa Tutuban mall nang maisipang tumingin ng cellphone accessory sa Recto Avenue, Maynila.
Ngunit bigla na lamang lumapit at hinarang sila ng suspek at sinabing ninakaw ni Valenzona ang cellphone ng huli.
Sumunod ay pilit kinukuha ng suspek ang bag ni Valenzona ngunit tumanggi ito dahilan upang agawin ng una at tumilapon ang laman ng bag ng huli.
Tiyempo namang may napadaang traffic enforcer sa lugar at inanyayahan ang suspek at mga biktima sa presinto.
Lumalabas na bagong modus operandi ng mga kawatan ngayon sa Maynila ang kunwari ay ninakawan sila ng gadget at saka pagbibintangan ang kanilang target.
Bunsod nito, pinag-iingat ang publiko na mag-ingat sa nasabing estilo ng pang-iisa sa kapwa.
The post Bagong estilo ng pagnanakaw talamak sa Maynila appeared first on Remate.