HINDI makabubuti para kay Sarangani Rep. at Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang paggamit ng pulitika bilang legal strategy kaugnay sa tax case na kanyang kinakaharap.
Payo ni dating Justice Secretary at ngayo’y 1BAP Rep. Silvestre Bello na hindi mabuting estratehiya na sa halip na sagutin ang paratang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay kakalas na lamang ito sa mayorya upang sumapi sa minorya sa Kamara.
“For his sake, he should not use politics as legal strategy,” ani Bello.
Ngunit welcome pa rin aniya si Pacman sa minority bloc kung saan kabilang si Bello.
Sa panig naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco, secretary general ng United Nationalist Coalition (UNA) na kinabibilangan ng Pambansang Kamao ay sinabi niyang wala pa aniya silang pag-uusap ukol sa paglipat ni Pacquiao sa minority bloc.
Ngunit anuman aniya ang maging desisyon nito ay kanilang igagalang.
Matatandaan na ikinapikon ng kampo ni Pacquiao ang hindi pagtanggap ng BIR ng mga isinumite niyang dokumento kaugnay sa mga binayaran niyang buwis sa Estados Unidos matapos ang kanyang pakikipaglaban simula noong 2008.
The post Paggamit ni Manny sa pulitika bilang legal strategy sa kanyang tax case kinastigo appeared first on Remate.