WALANG dapat ikabahala ang mga Pinoy na nakabase sa Thailand dahil patuloy na nakatutok ang gobyerno sa pinakahuling sitwasyon sa gitna ng nangyayaring political unrest sa naturang rehiyon.
Kaugnay nito, tiniyak ng Malacanang na mayroong nakahandang contingency plan ang pamahalaan sakaling lumala pa ang sitwasyon.
Pero sa ngayon, sinabi ni Presidential Communications Operation Office Sec. Sonny Coloma na walang dapat ikabahala ang mga Pinoy na nakabase roon at kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas.
Ayon sa kalihim, ipinauubaya na rin ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang hakbang kung kailangang magtaas ng alert level.
Kahapon, muling sumiklab ang tensyon matapos tangkain ng mga anti-government forces na pasukin ang Government House sa layuning mapatalsik si Prime Minister Yingluck Shinawatra.
Napilitan pang gumamit ng tear gas at water hose ang Thai police para maitaboy ang mga nagpo-protesta.
The post Pinoys walang dapat ikabahala sa ‘Thai unrest’ appeared first on Remate.