SUGATAN ang 80 katao, apat dito ang nasa kritikal na kalagayan nang maaksidente ang isang high-speed ferry mula Hong Kong na papuntang Macau ayon sa marine department ng bansa.
“Information received from the Marine Department suggested that 80 people on the ferry were injured. Among them four were classified as seriously injured,” ayon naman sa spokesman ng Hong Kong government.
Naganap ang insidente ala-1.20 ng madaling-araw malapit sa isang maliit na isla ng Hei Ling Chau.
Bagamat may tama na ang ferry, nagawa pa rin itong maibalik ng kapitan sa terminal ng Hong Kong kung saan nakaabang na ang mga ambulansiya.
The post 80 sugatan sa Hong Kong ferry accident appeared first on Remate.