ANG kawalan ng pork barrel ang nakikitang dahilan ng mga negosyante kaya mabagal ang usad ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Melito Salazar Jr., pangulo ng Management Association of the Philippines, bumagal ang paggastos para sa mga proyektong magpapaikot at magpapasigla sa ekonomiya matapos pigilan ng Korte Suprema ang paggamit ng priority development assistance fund (PDAF).
Gayunman, sinabi ni Salazar na maganda na rin ang 7% gross domestic product (GDP) para sa third quarter ng taon sa kabila ng kawalan ng mga proyekto at sa sunod-sunod na bagyo at kalamidad na tumama sa bansa.
The post Makupad na ekonomiya, dahil sa kawalan ng pork barrel appeared first on Remate.