IPINAGMAMALAKI ngayon ng Malacañang na nakapagtala ang pamahalaan ng pitong porsiyentong GDP growth sa third quarter ng taon.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang nasabing achievement sa ekonomiya ng bansa ay patunay sa magagandang macro-economic fundamentals na ipinatutupad ng administrasyon na nagsisilbing depensa mula sa mga negatibong pangyayari gaya ng kalamidad.
Ayon kay Coloma, puspusan ang ginagawa ng economic team para makapagpatupad ng mga polisiyang magagamit laban sa mga hamon sa sektor ng ekonomiya.
Hindi naman dito natatapos at nananatili ang commitment ng administrasyon sa pagkamit ng hangaring inclusive growth.
The post 7% GDP growth sa 3Q inilantad ng Palasyo appeared first on Remate.