NAIS na rin ni Justice Sec. Leila de Lima at National Bureau of Investigation (NBI) na i-freeze ang bank accounts ng mga senador na sina Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr, at Jinggoy Estrada, pawang sangkot sa “pork barrel” fund scam.
Pero ito aniya ay ipauubaya na lang nila sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Matatandaan na una nang kinatigan n Court of Appeals ang freeze order request laban sa mga co-accused ng tatlong mambabatas sa P10-billion PDAF scandal.
Ang AMLC aniya ang nagdesisyon na hindi isama sa court order ang tatlong senador.
Pasok sa freeze order sina former APEC party-list Rep. Edgar Valdez; former Agusan Del Sur Rep. Rodolfo Plaza; former Benguet Rep. Samuel Dangwa at former Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula. Dawit din dito sina Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Enrile; Richard Cambe, chief of staff ni Revilla; Ruby Tuason at Pauline Labayen, staff ni Estrada.
The post Assets ng 3 senador sa pork scam ipe-freeze na rin appeared first on Remate.