HUMINGI na ng tulong sa Pilipinas ang Taiwan para mailigtas ang isa nilang residente na dinukot ng armadong kalalakihan sa Sabah na ngayon ay dinala na umano sa bansa.
Sa report ng Central News Agency ng Taiwan, sinabi ni Taiwanese Vice Justice Minister Cheng Ming-tang na personal na hiningi ng Taiwan ang tulong ng Pilipinas hinggil sa isyu.
Nobyembre 15, 2013 nang i-report na isang babaeng Taiwanese na kinilalang si Chang An-wei ang dinukot sa isang resort sa Sabah at dinala sa southern Philippines.
Patay naman ang mister nito na si Hsu Li-min.
Hawak ng Bureau of Criminal Investigation ng Taiwan at Ministry of Foreign Affairs ang kaso.
The post Residente na-hostage sa Sabah: Taiwan nagpasaklolo sa Pinas appeared first on Remate.