PATULOY na nagbabanta sa milyun-milyong katao sa Eastern United States ang malakas na bagyo, na inaasahang magdudulot ng matinding buhos ng ulan at yelo sa mga apektadong lugar.
Sa gitna nang paghahanda ng mga residente para sa Thanksgiving holiday, naglabas na ng winter weather warning si New York Governor Andrew Cuomo, kung saan pinapayuhan ang mga motorista nang ibayong pag-iingat.
Batay sa forecast, inaasahang makakaranas ng 2-4 inches ng ulan ang Atlantic coast hanggang New England, habang patuloy ang pag-usad ng bagyo pa-hilagang-silangan.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Atlantic corridor mula Richmond, Virginia hanggang Portland, Maine.
Napag-alaman na ang Thanksgiving holiday ay isa “busiest travel times” sa Amerika kung saan tinatayang nasa 39 million travelers ang nagbabakasyon.
Maliban sa ulan at hangin, inaasahan din ang makapal na buhos ng yelo na tiyak makakaapekto sa travel schedule ng mga taga-Boston, Columbus, Ohio, Pittsburgh at New York.
Ilang eroplano na rin ang nagkansela sa Charlotte, North Carolina, Philadelphia, Memphis at Maryland dahil pa rin sa masamang lagay ng panahon.
Sinasabing mahigit isang talampakang kapal ng yelo ang inaasahang babagsak sa western Pennsylvania, western New York at Vermont sa mga susunod na oras.
The post ‘Powerful storm’ nagbabanta sa Eastern USA appeared first on Remate.