MAGKALABANG mortal ang Pinoy at Mehikano pagdating sa boksing kaya naman paniguradong upakang umaatikabo ang masisilayan sa gaganaping “Pinoy Pride XXIII” Filipinos kontra Latinos sa Nobyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Magkikipagsapakan si WBO World Light flyweight Champion Donnie “Ahas” Nietes kay Mexican challenger at dating WBO World Minimum weight king Sammy “Guty” Gutierrez.
“I’m a former champion that’s why I’m ready.” wika ng 28 anyos na si Gutierrez kahapon sa lingguhan Philippine Sportswriters association, (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Mag-uupakan sina Nietes na may total 36 fights mula sa 31 wins, 17 dito ay knock-out, 1L at 4D at Gutierrez na may 44 na laban, (33W, 23Kos, 9L, 2D) sa 108 lbs WBO World Light-flyweight Championship at may 12 rounds ito.
Mag babasagan naman ng mukha sa WBO Minimumweight Championship sina Merlito “Tiger” Sabillo ng Pilipinas at Carlos “Chocorroncito” Buitrago ng Nicaragua.
Si Sabillo ang nagtatanggol ng korona habang challenger si Buitrago sa 105 lbs kung saan ay may 12 rounds din ang kanilang labanan.
Naka line-up din sapakan si Pinoy Pug Milan “El Metodico” Melindo sa WBO International Flyweight Championship laban kay Jose Alfredo “Torito” Rodriguez ng Mexico.
Hanggang 12 rounds din ang kanilang bangasan sa 112 lbs.
May 30 laban na si Melindo mula sa 29 wins, (12Kos) at 1L habang ang kanyang katunggali ay nakaka-31 laban na ito at record na 29 W, (18Kos) at 2 talo.
Maghaharap naman sina Jason “El Niño” Pagara at Vladimir Baez ng Dominican Republic para sa WBO International Light-Welterweight Championship.
The post Nietes mapapalaban sa Mexican Pug appeared first on Remate.