Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Paghahabol ng CTA kay Pacman, walang personalan

$
0
0

HINDI pinersonal ng Aquino government ang Pambansang Kamao at Sarangani Province Cong. Manny Pacquiao  nang magpalabas ng freeze order ang Court of Tax Appeals (CTA) laban sa bank assets nito.

Si Pacquiao ay nahaharap ngayon sa P2.2 billion tax case.

“We are a gov’t of laws not of men. The reported order of the court of tax appeals on the freezing of his bank deposits arose from a tax case filed in relation to his prize winnings in 2008-2009,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Herminio “Sonny” Coloma Jr.

Nakasaad aniya sa internal revenue code ang procedures on collection  kaya makabubuting ang CTA ang tanungin sa bagay na ito.

Nauna rito, pinalagan naman ng kampo ni Pacman ang panggigipit na ito ng CTA.

Nauna nang iginiit  ni Atty. Abraham Espejo, isa sa tax lawyers ng Sarangani congressman na “unfair” ang nabanggit na kautusan ng korte at maituturing na harassment.

Aniya, ipinapataw lamang ang freeze order kung mayroong banta sa akusado na ito ay tatakas o talagang hindi nagbabayad ng buwis.

Napag-alaman na ang sinasabing tax deficiency ni Pacquiao ay bunsod ng kabiguan ng kanyang accountants na kumuha ng multi-million dollar tax credits mula sa US Internal Revenue Service (IRS) para sa kanyang Income Tax Return (ITR).

Kahit na aniya sa Amerika kinita ni Pacman ang income nito ay iginiit ng BIR na sa ilalim ng batas nararapat pa rin aniya itong ideklara sa kanyang ITR.

The post Paghahabol ng CTA kay Pacman, walang personalan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>