BINALAAN ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice ang lokal na opisyal ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda na mag-ingat laban sa pananamantala ng human traffickers.
Sa isang press statement, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, Chairperson ng IACAT, malapit sa tukso ang mga survivors ng kalamidad sa alok na malaking suweldo ng mga sindikato ng trafficking pero sa kalaunan ay sa prostitusyon bumabagsak.
Hinikayat din ng kalihim ang mga lokal na opisyal na bantayan ang kanilang constituents laban sa mga alok na mabilis na pagkita ng pera at bagong trabaho, domestic man o abroad.
Dapat din aniyang protektahan ang mga kabataan na naulila laban sa mga child trafficking organization.
Binigyang-diin pa ni De Lima, dapat na magpatupad ang mga lokal na opisyal ng sistema sa pagkilala sa mga pagala-galang tao sa kanilang lugar, lalo na sa mga may edad na may kasamang mga bata.
The post Mga binagyong lugar, pinag-iingat vs human trafficking appeared first on Remate.