Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bakawan, solusyon vs storm surge

$
0
0

PLANONG ipangtapat ng Department of Enrvironment and Natural Resources (DENR) ang pagtatanim ng bakawan o mangrove sa mga dalampasigan laban sa banta ng storm surge tulad nang inihatid ng super typhoon Yolanda sa Tacloban City.

Sinabi ni DENR Secretary Ramon Paje, na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-utos ng pagtatanim ng bakawan.

“Yan ay iniutos ni President Aquino dahil nga sa nakita natin na open na yung Tacloban sa dagat,” ani Paje.

“Kung mayroon silang mangrove diyan, dapat sana 70 to 80 percent nung typhoon surge ay na-dissipate nung mangrove. Hindi sana ganoon kalakas ang tama ng typhoon surge”, paliwanag ng kalihim.

Binanggit ni Paje na 260,000 ektarya na lamang ang mangrove area sa bansa mula sa noo’y anim hanggang pitong milyong ektarya.

Target na muling mataniman ng bakawan ang mga dalampasigan hindi lamang sa mga lugar na hinagupit ni Yolanda sa Samar at Leyte kundi sa buong eastern seabord na madalas unang dumadaan ang mga bagyong pumapasok sa bansa.

Kaugnay nito, hihiling ang DENR ng P360 milyong pondo para sa mungkahing rehabilitasyon.

Sakaling maaprubahan, magtatayo ng mangrove nursery sa bawat coastal municipality ang kagawaran at magpapatupad ng cash for work scheme sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa Metro Manila na minsan nang hinagupit ng storm surge noong 2011, sinabi ni Paje na mahirap itong mataniman ng bakawan dahil karamihan sa mga dalampasigan sa Kamaynilaan ay reclaimed o natabunan na ng lupa.

The post Bakawan, solusyon vs storm surge appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan