PATAY ang 52 katao, habang 11 pa ang nawawala sa pagsabog ng pinakamalaking oil refinery sa China na Sinopec.
Sa ulat ng Xinhua news agency, kabilang sa mga namatay ay ang anim na bumbero habang apat ang wala pang pagkakakilanlan matapos ang pagsabog sa Huangdao district sa Qingdao City.
Sa pagsabog ng pipeline, maraming residential at commercial roads ang nasira, 136 ang nasugatan, 10 sa mga ito ang kritikal ang kondisyon.
Sinasabing Biyernes nang nagkaroon ng pagtagas ng crude oil mula sa underground pipeline ng state-owned company na Sinopec dahilan upang i-shutdown ang mga tubo ng Huangdai oil warehouse makalipas ang 15 minuto.
Ngunit sinundan ito ng mga pagsabog nang nililinis na ng mga trabahador ang oil spill alas-10:30 ng umaga.
The post 52 patay sa pipeline explosion sa China appeared first on Remate.