SUGATAN ang 27 pasahero matapos bumaligtad ang sinasakyang jeep sa Sumulong Highway, Antipolo City sa ulat ng pulisya.
Nabatid na sinubukan ng driver na si Marvin Pesco na i-overtake ang isa pang jeep nang makasalubong ang dump truck na naging sanhi ng aksidente.
Sakay ng jeep (TXB 421) ang mga estudyante ng Antipolo National High School na patungong Marikina upang manood sana ng free live viewing ng laban ni Pacquiao at Brandon Rios sa Marikina.
Sugatan din ang isang tumatawid nang mahagip ng jeep.
Agad itinakbo sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Hospital ang mga sugatan habang isa naman ang nasa intensive care unit (ICU).
The post Jeep bumaligtad sa Antipolo, 27 pasahero sugatan appeared first on Remate.