KULUNGAN ang kinahantungan ng isang lalaki makaraang masakote sa tangkang panghahalay sa isang dalaga sa Quezon sa ulat ng pulisya ngayon.
Sinampahan na ng kasong attempted rape ang suspek na si Ramil Riocasa Verina, 25, ng Brgy. Billanava, Gumaca sa nasabi ring lalawigan matapos tinangkang gahasain ang 29-anyos na dalaga.
Isinalaysay ng biktima kay C/Insp. Romulo Albacea, chief of police ng Gumaca Police Station, na habang natutulog siya noong gabi ng Miyerkules ay nagulat na lamang nang hinahalikan na siya ng suspek.
Tinangka nitong pumalag at sumigaw ngunit tinakpan ni Verina ang bunganga ng biktima at pilit na hinuhubaran.
Sa kabila nito, narinig ng isang kamag-anak ng biktima ang kanyang pagsigaw at tumawag ng pulis.
Dito naman tumakbo papalayo ang suspek ngunit hindi na ito nakatakas sa kamay ng mga awtoridad na agad dinala sa Gumaca BJMP.
The post Manyakis na kelot timbog sa Quezon appeared first on Remate.