IPINAHAYAG ng pamahalaan na aprubado na ang pitong malalaking proyekto na isinusulong gobyerno.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ng Pangulong Noynoy Aquino ang mga nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P184.4B.
Kabilang sa mga proyektong ito ang LRT Line 1 South Extension Project na pinondohan ng P64.9B, MRT 7 Project na pinaglaanan ng P62.7B.
Aprubado na rin ang LRT Line 1 North Extension Project-Common Station na may pondong P1.4B, Mactan Cebu International Airport New Passenger Terminal Project, pagsasaayos sa transportation system sa FTI, DOH modernization sa Philippine Orthopedic Center at MWSS Bulacan Bulk Water Supply Project.
The post P184.4B proyekto ng gobyerno kasado na appeared first on Remate.