ANG kakulangan sa equipment ang dahilan sa mabagal na retrieval operation kaya hanggang ngayon ay hindi pa narerekober ang mga bangkay sa lungsod ng Tacloban mula sa mga debris.
Ayon kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, kalahating buwan na ang lumipas mula nang manalasa ang bagyong Yolanda pero marami pang bangkay nakukuha sa mga debris.
Sinabi ni Romualdez, hindi bumababa sa 70 mga bangkay ang kanilang narerekober bawat araw.
Kung pagbabatayan ang takbo ngayon ng retrieval operation, sinabi ng alkalde na baka abutin pa ng mga buwan bago makuha ang lahat ng mga katawan na natabunan ng mga debris.
Ayon naman kay Tacloban City Bureau of Fire Protection C/Insp. Rodrigo Almadin, nagsasagawa na sila ng foot patrol para maghanap ng cadavers.
Pero hindi na aniya ang mga ito madaling makita dahil nasa ilalim ng mga debris kaya gumagamit sila ng mga K9 dogs.
Aminado ang opisyal na ang ilang lugar na target nila ay hindi pa nila naaabot.
Sa ngayon higit 5,200 na ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ni Yolanda pero pinangangambahang aabot sa 7,000 ang bilang ng mga namatay sa hagupit ng super typhoon.
The post Kakapusan sa gamit dahilan ng mabagal na retrieval ops appeared first on Remate.