NAGBIGAY pa ng extension sa tigil putukan ang New People’s Army sa mga lugar na sinalanta ng supertyphoon Yolanda.
Ayon sa Communist Party of the Philippines (CPP), pinalawig nila ang tigil putukan hanggang isang buwan hanggang Disyembre 24.
Nabatid na sa unang deklarasyon ng rebeldeng grupo, hanggang ngayong araw lang dapat ang ceasefire.
Saklaw ng ceasefire ang regional commands ng NPA sa Eastern Visayas, Panay, Central Visayas at Negros.
Una nang nanawagan ang pamahalaan sa NPA na nationwide humanitarian ceasefire ang ideklara upang mapadali ang paghatid ng mga kailangang tulong sa mga biktima ng kalamidad.
The post Tigil putukan ng NPA pinalawig hanggang Dec. 24 appeared first on Remate.