MAAGANG gugunitain ng mga mamamahayag ang ika-apat na anibersaryo ng Maguindanao massacre sa Maynila.
Mamayang hapon ay magsasama-sama ang iba’t ibang grupo ng mamamahayag at magkakaisang magsisindi ng kandila ang mga kinatawan ng media organizations at magpapakawala pa ng 32 puting lobo na simbolo ng mga pumanaw na mamamahayag.
Magugunitang 58 ang namatay sa nasabing krimen, 32 sa mga ito ay mula sa hanay ng media.
Samantala, ipaparada naman bukas ang 11 talampakang taas na ‘impunity backhoe effigy’ at magkakaroon pa ng torch parade mula sa NPC Grounds patungo sa Don Chino Roces Bridge sa Mendiola, Manila kung saan susunugin ang effigy.
Ang torch parade ay pamumunuan ni National Press Club President Banny Antiporda bilang paggunita sa ika-apat na anibersaryo ng Maguindanao massacre.
The post 4th anniv ng Maguindanao massacre gugunitain sa Maynila appeared first on Remate.