NAGBABANTA na naman ang low pressure area na namataan ngayon sa Zamboanga at asahan ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 240 kilometro sa kanluran ng Zambo City.
Bagama’t maliit ang posibilidad nitong maging malakas na bagyo, maaari naman itong magdulot ng baha sa mabababang lugar.
Nilinaw naman ng PAGASA na malabo itong mag-landfall dahil nasa Kanluran na ang LPA at patungo na sa West Philippine Sea o palayo sa bansa.
The post Bagong LPA, nagbabanta sa Zambo appeared first on Remate.