BALIK na uli ngayong araw sa dating venue ang volunteers at survivors dahil sa paglilipat ng pagproseso sa mga dumarating na typhoon victims mula sa Villamor Air Base patungo sa Camp Aguinaldo,
Ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-National Capital Region (NCR), nahihirapan ang mga dumarating na survivors mula sa Leyte at Samar kung muli silang ibibiyahe sa matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA matapos bumaba sa C-130.
Mas madali rin ang access sa pasilidad na naka-setup sa paliparan lalo na sa mga may karamdamang kailangang agad na matulungan ng medical staff.
Magugunitang kumalat sa social networking sites na ang tunay na sanhi ng biglaang paglilipat ay ang bangayan ng ilang personalidad sa Villamor Air Base at DSWD, pati na ng mga volunteers.
Pero para sa panig ng Philippine Air Force (PAF), hindi bangayan ang ugat ng paglilipat dahil ilang araw na itong napag-usapan.
Itinanggi naman ng Philippine Airforce na pinaalis nila at ipinahinto ang relief operations ng mga volunteers sa Villamor Airbase na naroon ang mga evacuees mula sa mga binagyong lugar sa Kabisayaan.
Ayon kay Col. Miguel Ernesto Okol, spokesman ng Philippine Airforce, inilipat ang mga evacuees upang mabigyan sila ng mas maayos na serbisyo dahil may logistics ang Camp Aguinaldo.
The post Pagproseso sa survivors, balik sa Villamor appeared first on Remate.