Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Second collection gagawin sa Papal mass sa Vatican

$
0
0

MADARAOS ng second collection sa gaganaping Papal mass sa Vatican ngayong Linggo ang Simbahang Katoliko para sa mga Yolanda survivors sa Pilipinas.

Mismong si Pope Francis ang mangunguna sa naturang banal na misa na isasagawa sa St. Peter’s Square kasabay nang pagtatapos ng Year of Faith sa Nobyembre 24.

Ayon sa Vatican Radio, ang halagang makukolekta mula sa naturang second collection ay ipagkakaloob para sa mga mamamayan sa Pilipinas na nabiktima ng super bagyo.

“The proceeds from the collection will be offered for the people of the Philippines who are trying to pick up the pieces after the devastating Typhoon Haiyan which ripped through the country November 8th,” anang Vatican.

Mismong si Pope Francis ang magdedesisyon kung paano ipapamahagi ang donasyon para sa mga Pinoy.

Anang Vatican Radio, sa pagkaalaala ng mga opisyal ng Vatican ay ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng ganitong koleksiyon sa isang papal mass.

Nauna rito, sinalanta ng super bagyong Yolanda ang ilang bahagi ng Visayas at Luzon, na ikinasawi ng mahigit 4,000 katao, ikinasugat ng libu-libong iba pa at ikinawasak ng kanilang mga kabuhayan at tahanan, noong Nobyembre 8.

The post Second collection gagawin sa Papal mass sa Vatican appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>