MAHIGPIT na ipinagbabawal sa siyudad ng Zamboanga ang pagbebenta at paggamit ng anumang uri ng paputok sa darating na Pasko at Bagong Taon.
Sa pamamagitan ng Executive Order BC 23-2013 ay ipinag-utos ni Mayor Isabel Climaco ang temporary suspension sa display pati pagtitinda at paggamit ng firecrakers at pyrotechincs sa siyudad.
Gayunpaman, maglalabas pa rin ng business permit para sa mga lisenyadong mga dealer ng paputok na magtitinda at magsusuplay sa labas ng Zamboanga City.
Samantala, ipinaalala rin ng alkalde na isang special non-working holiday ang Nobyembre 25 sa siyudad at sa Bohol para sa pagsasakatuparan ng 2013 barangay elections.
Una nang naantala ang halalan sa lugar matapos magkaroon ng stand-off ang mga tauhan ni MNLF founding Chairman Nur Misuari na nagdulot ng kaguluhan at matinding pinsala sa ekonomiya at pamumuhay sa siyudad.
The post Firecrackers ban sa Pasko at Bagong Taon appeared first on Remate.