BIBIGYAN ng hanapbuhay ang mga biktima ng bagyong Yolanda na nais magpaampon sa pamahalaan ng Rosario, Cavite.
Ayon kay Rosario Cavite Mayor Jose Ricafrente, dahil sa pangingisda rin ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Rosario ay maaari ring mangisda ang mga lumikas na residente na mula Samar at Leyte.
Sinabi ni Ricafrente na bibigyan nila ng mga bangka ang mga aampuning biktima ng bagyo upang makapagsimula ng bagong buhay.
Maliban dito, maaari ring pumasok ang iba pang nabiktima ng bagyo sa factory sa bayan ng Rosario.
The post Trabaho ibibigay sa Yolanda victims appeared first on Remate.