PINAMAMADALI na ng Department of Health (DOH) ng pamimigay ng bakuna sa mga evacuees sa Visayas para maiwasan ang outbreak ng mga sakit.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ito’y matapos lumabas ang ulat na may mga kaso na ng tetanus sa mga biktima ng kalamidad.
Bukod dito, pinasusuri na rin ng DOH ang pinagkukunan ng tubig ng evacuees dahil sa posibilidad na kontamido ito at magresulta sa pagkakaroon ng diarrhea.
Namimigay na rin sila ng chlorine solution para masigurong malinis ang tubig kahit hindi napakuluan dahil sa kakulangan ng panggatong.
The post Pagbakuna sa Yolanda victims pinamamadali appeared first on Remate.