MAKAILANG ulit na inuga ng lindol ang Tagbilaran City sa Bohol simula nitong Miyerkules ng gabi hanggang kaninang madaling-araw, Nobyembre 21.
Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-10:37 kagabi nang unang naitala ang magnitude 2.7 na lindol sa layong 79 hilagang-silangan ng lungsod.
Nasa may lalim na 16 kilometro lamang ang konsentrasyon ng nasabing lindol.
Dakong alas-11:41 p.m., isang magnitude 3.9 na lindol naman ang naitala at nadama pa ito hanggang Cebu City sa intensity 2 at Lapu-Lapu City sa Cebu na intensity 1 naman.
Alas-5:37 Huwebes ng madaling-araw nang yumanig naman ang mas malakas pang magnitude 4.5 na tectonic quake sa 52 kilometro hilagang-silangan ng Tagbilaran.
Nagdulot ito ng Intensity IV na paggalaw sa Mandaue City at Intensity II sa Cebu City.
Wala namang naging pinsala ang mga nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks pero nagdulot ito ng pangamba sa mga residenteng nilindol.
The post Tagbilaran City ilang ulit inuga ng lindol appeared first on Remate.